June 12, 2009. Independence Day!
Maaga akong gumising para samahan si mama sa church. May meeting ang mga usherettes para sa nalalapit na anniversary ng church namin. Pagdating namin sa church, mga bandang 10 minutes before 10:00 am, wala pang tao. Kami pa lang ni mama ang nanduon. Hinintay namin yung ibang mga kasama sa meeting. Mga past 11 na nagsimula. Kokonti lang ang umatend. Mga 12:30 na natapos ang meeting.
Pagkatapos ng meeting umuwi na kami ni mama. Sobrang nagugutom na talaga kami kasi di pa kami nag-aagahan, taho lang ang kinain namin bago umalis. Pagkakain namin naghanda na ko para sa March for Jesus. Pinalantsa ko na yung mga damit namin pagkatapos ay nagbihis na kami. Si Mama, Myca, Ako, Kuya, Kuya Patrick lang ang kasama sa family namin dahil si Kuya Kenneth ay may sakit at si Alekson ay ayaw sumama. Hinintay namin si Ate Merly at si Ate Puto. Nang dumating sila ay agad na kaming umalis para pumunta sa Calamba City Hall. Hinatid kami ni Kuya papunta don.
Nung nandon na kami, ang unang unang bumati samin ay si Sister Josie. Malayo pa lang ay kinawayan na kami. Habang naghihintay ng simula ng parada nag-picture picture muna kami ni Sister Kathie, oh diba? Bongga! Pagkatapos mag-picture nagpasama naman si Ate Puto na mag-CR, kaya sinamahan ko na. Pagbalik namin nagsimula na palang maglakad yung nasa unahan. Kaya humanay na kami para maglakad.
Mula Calamba City Hall naglakad kami paputang Crossing hanggang sa Plaza. 3pm nagsimulang maglakad. Sobrang init! Pero ayos lang kasi para kay GOD naman yon! Nung makarating na kami sa Plaza madami nang kapatiran ang nanduon. Nakita ko yung mga classmate ko nung 4th year ako na mga Kristiyano din, sila Nikki at Emman. Maya-maya pa’y nagsimula na ang Program. May mga nagtanghal tungkol sa Kalayaan ng Pilipinas. Konti pa, nagugutom na kami kaya nagpasya kaming kumain sa Lugawan. Dami kong nakain! Sobrang daming gutom. Sobrang daming pagod din kasi! Pagkatapos naming kumain bumalik ulit kami sa Plaza. Hindi rin nagtagal ay umuwi na kami.
Ang masasabi ko lang ay:
Sobrang nakakapagod ang araw na toh! 